Araw ng Kalayaan

 “Araw ng Kalayaan”

Hunyo 12, 2022

Isinulat Ni Lorence Juguilon

 

 

Ano nga ba ang Kalayaan? Ano nga ba ang kahulugan nito sa araw araw nating pamumuhay?

Tunay bagang tayo ay Malaya?

 

Marahil karamihan sa atin inaakalang tayo ay Malaya, sapagkat ating nagagawa ang ating mga nais, tayo ay malayang makapaglakbay sa nais nating puntahan o pumili ng tatahaking buhay. Gawin ang bagay bagay na inaakla nating magbibigay sa atin ng kalayaan. Ngunit nakakalungkot sa kabila nito ay nanatili parin tayong nakabilango.

 

Tila bang nakagapos parin at nanatiling nakakulong sa “hindi makitang hawla o Lubid” na hindi tayo makawala. Sapagkat tayo ay nabubuhay na may malaking kakulangan sa ating mga kamalayan, isang puwang sa ating kalooban na tila ba ay nanatiling “Alipin sa Buhay” na hindi nagbibigay sa atin ng tunay na Kasiyahan o kaligayahan sa ating buhay, sapagkat ano man itong Kalayaan ating natatamasa ay nanatiling parin tayong Bilango sa Kamalayan.

 

Kahalintulad sa isang Alagang hayop:  

Ang aso ay ikinadena nang maraming taon sa kanyang kubo, at sa loob ng maraming taon ay may kamalayan siyang nakagapos at nakatali ng matibay na tanikala.

 

Ang kadena ay humawak sa kanya nang napakahigpit kaya’t tinalikuran na niya ang lahat ng pagtatangka na palayain ang kanyang sarili at halos nakalimutan na niya na mayroon pa siyang kalakasang kumalas.

 

Isang araw, gayunpaman, ang isang kawing sa kadena ay napigtas at ang kadena ay naputol, ngunit dahil siya ay nabuhay nang napakaraming taon na may kamalayan ng isang bilanggo, hindi niya sinubukang matanto ang kanyang kalayaan upang tumakas.

Sa halip ay patuloy siyang nakahiga sa harap ng kanyang kubo, araw-araw, nananabik sa kalayaan at nananatiling bilanggo ng kanyang sarili.

 

Isang araw, isang pusa ang dumaan at ang aso ay agad na tumayo.

 

Sa pamamagitan ng mabilis na pag-alis ng pusa, hinabol niya ito, malayo sa haba ng kadena, na hanggang ngayon ay nagpapasikip sa kanya.

 

At, masdan, bigla siyang dinaig ng isang kamangha-manghang kalayaan – at siya ay kumaripas ng takbo malayos sa kanyang kubo.

Ang inaakala niyang kulungan at tanikala ay biglang nawala at nakalimutan niya ito, at tanging “Kalayaan” na lamang ang namamayani sa kanya.

 

Katulad din nating mga Tao, dahil sa tagal na panahong tayo ay nakagapos sa Tradisyon, at huwad na paniniwala,  sa mga huwad na pananampalataya, nakalimutan nating makilala ang ating mga Sarili na mayroong tayong kalakasan sa ating mga Pagiisip upang makawala sa pagkakabilango sa kamalayan at makakita ng tunay na Liwanag upang makamit ang Tunay na Kalayaan.

 

Tunay nga, na may mga taong nakapiit sa bilanguan ngunit sila pa ay mas tunay na  Malaya kaysa sa taong nasa labas ng ating Lipunan, na silay patuloy bilango sa hindi makitang rehas sa kanilang Kamalayan.

Hindi tayo makakawala o makakatakas sa Rehas na mga ito,kung hindi natin mapagtatanto na ang Susi pala sa ating tunay Kalayaan ay nasa ating mga sarili, sa ating mga pagiisip, sa ating kalakasang maging tunay na Malaya.

 

 

 

2 thoughts on “Araw ng Kalayaan

    • Lorence Juguilon says:

      Thank you for your Comment, we are happy to hear about your experience and knowledge about Creational laws, please join our Virtual meeting every Wednesday, Friday, and Saturday, 8 pm Manila time.
      with ZOOM Meeting ID: 834 6432 1967. meeting mostly done in Filipino language and English.

      Salome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *